San Miguel Beermen, target ang top 4 spot sa 2020 PBA Philippine Cup

60

Target ngayon ng San Miguel Beermen ang number 4 spot sa team standings ng 2020 PBA Philippine Cup.

Nais ng Beermen na masungkit ang panalo kontra Northport Batang Pier sa magiging laban nila mamayang alas-6:45 ng gabi na gaganapin sa Angeles University Foundation Sports Arena.


Aminado si Beermen Head Coach Leo Austria na bagama’t may pressure, hindi na bago para sa kaniya ang ganitong scenario kung saan kinakailangan nilang manalo para makuha ang twice-to-beat advantage sa pag-usad sa quarterfinals.

Nabatid kasi na ang top 4 teams sa standings ay makukuha ang twice-to-beat advantage kung saan kinakailangan naman manalo ng dalawang beses ang mga teams na nasa number 5 to 8 spot habang ang huling apat na teams ay eliminated na.

Facebook Comments