San Miguel Beermen, wagi kontra Star Hotshots ng best-of-five ng PBA Commissioner’s cup

Manila, Philippines – Panalo ang San Miguel Beermen sa game 3 laban Star Hotshots sa best-of-five ng PBA Commissioner’s Cup semifinals sa iskor na 111-110.

Kumilos sa huling minuto ng laro ang beermen shooting guard na si Marcio Lassiter na siyang nagpanalo sa laro.

Ayon kay Beermen head Coach Leo Austria – swerte ang kanilang kupunan dahil matatandaan na isang puntos lang din ang lamang nila noong ikalawang laro.


Aniya, kumilos si Lassiter dahil inspirado ito sa pagkapanalo ng Golden State Warriors sa NBA finals at ginagaya nito ang idol na si Steph Curry.

Bukod dito, nag-ambag din ang Beermen import center na si Charles Rhodes ng 36 points, Beermen Guard Chris Ross na nagtala ng 27 points.
DZXL558

Facebook Comments