Nanindigan ang San Miguel Global Power (SMGP) na subsidiary ng San Miguel Corporation na walang mali sa kanilang ginawang paglapit sa Court of Appeals o CA.
Ito’y kasunod ng pagkatig ng Appellate Court sa SMGP na suspindehin muna sa loob ng 60 araw ang Power Supply Agreement o PSA nila sa Manila Electric Company o MERALCO.
Ayon sa SMGP, ang paglapit sa CA ay bahagi ng kanilang karapatan na mabigyan ng due process na ginagarantiya sa kanila ng saligang batas na kanila namang ginagamit.
Bilang independent electric power industry regulator, sinabi ng SMGP na dapat patas na itinataguyod at pinoprotektahan ng ERC ang interes ng mga stakeholder at konsyumer gayundin ang pagpapaunlad sa kalidad ng pamumuhay at maghatid ng matatag na economic growth.
Magugunitang nagpasaklolo ang SMGP sa CA matapos ibasura ng ERC ang hirit nilang taas singil sa kuryente dahil sa paniniwalang lumalabag ito sa panuntunan na nakasalig sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.