Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay kaugnay ng kontrobersiyal na QUARRY OPERATIONS kung saan tone-toneladang aggregates na binuga ng Mayon Volcano ang sini-ship out sa pamamagitan ng mga malalaking barko sa mga daungan sa paligid ng Albay.
Ayon sa ulat ni Rhaydz B. Barcia sa pahayagang Bicol Mail, posibleng dinadala ang mga aggregates para maging kabahagi ng artificial island na ginagawa ng Chinese government sa West Philippine Sea.
Hindi biro ang volume o dami ng mga aggregates na nanggagaling sa Albay. Umaabot sa tinatayang humigit-kumulang 400,000 cubic meters sa isang taon ang kinu-quarry mula sa paanan ng Mayon at kinakarga sa mga barko na tumatahak sa direction papuntang Visayas at Mindanao. Hindi alam kung saang daungan dinala ang mga ito. May mga agam-agam na sa West Philippines Sea ang pinal na destination ng cargo vessels na at least 4 times bumibiyahe sa loob ng isang linggo. Apat na barko ang nakikitang dumarating at umaalis sa daungan ng bayan ng Sto. Domingo sa Albay na may kargadang buhangin at aggregates mula sa mga quarries sa palligid ng probinsiya.
Maliban sa pagdududang ginagawang pantambak sa ginagawang artificial island sa kini-claim na lugar ng Chinese government sa West Philippine Sea, Pinaniniwalaang TAMPOK din ang AGGREGATES mula sa Mayon bilang UGAT-PUNO-AT-BUHAY ng NAKAKALULANG CORRUPTION sa iba’t-ibang antas ng pamamahala sa probinsioya ng Albay.
Sinusubaybayan ngayon ng maraming taga-media ang development ng imbestigasyong ginagawa ng Sangguniang Panlunsod para malinawan ang isyung ito.
May panawagan din na dapat magsagawa rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa bagay na ito.
Samantala, isang Board Member ng probinsiya ang nagpahayag na may sulat siyang pinadala sa VACC upang paimbistigahan ang isyu subalit bigo umano ang grupong pinamumunuan ni Dante Jimenez na bigyang action ang bagay na ito.
Nakakalunod-kaluluwa ang korapsyon na bumabalot sa construction aggregates mula sa materyales na iniluwa ng Bulkang Mayon nitong mga nakaraang mahabang panahon.
Alam ba ninyo?…na ang construction materials na BIGAY-ng-Mayon-Volcano sa paligid ng Albay ang PINAKA-IN-DEMAND ngayon dahil sa SUPERIOR QUALITY nito kung ikumpara sa mga materyales mula sa ibang probinsiya?… No wonder, may report na selling like hot cake ito sa mga malalaking construction firms sa loob pati na rin sa labas ng bansa.
Sand&Gravel Mula sa Mayon-Albay, Pantambak sa West Philippines Sea? Quarry, Corruption Talamak. Grupo ni VACC-PACC Dante Jimenez, may ginagawa ba?…
Facebook Comments