
Nagtakda ang Sandiganbayan 3rd Division ng 10-day bail hearing sa kasong Malversation na kinakaharap nina dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Bulacan First District Official Brice Hernandez, at iba pang kapwa-akusado nito.
Kaugnay ito sa 92.8 million pesos na ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ayon sa naturang korte, magsisimula ang naturang pagdinig sa Abril 6 at mangyayari ng umaga at hapon sa loob ng sampung araw.
Kung saan ipipresenta sa gagawing hearing ang 20 witness sa kaso.
Pero nilinaw naman ni Associate Justice Karl Miranda na ang gagawing bail hearing ay hindi magtatakda sa magiging kahihinatnan nito.
Nanindigan sila na ang kanilang ibabase ang imbestigasyon sa mga isusumiteng ebidensya sa korte.
Facebook Comments










