iFM Laoag – Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos sa COMELEC Ilocos Norte upang tatakbo bilang kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Norte.
Kasabay nang kanyang paghain ng COC ang mga iba pang opisyal ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan. Nagpakita din ng supporta ang kanyang mga fans at naghihiyawan ang mga ito. Sinamahan naman siya nang kanyang mga magulang at kamag-anak.
Pagkatapos naman ng kanyang pagpila, sumunod naman ang Press Briefing ng kanyang amang si dating Senador Bongbong Marcos na tatakbo namang pangulo sa Halalan 2022.
Sa talumpati ni Bongbong Marcos, dito niya inihayag ang kanyang mga plataporma kung siya ang magiging pangulo ng bansang Pilipinas kahit nasa ilalim ito nang pandemya. Agrikultura, Edukasyon, Kalusugan at Infrastraktura din ang gustong ipagpatuloy ni Marcos at kabilang narin ang seguridad ng mga ito laban sa COVID-19.
Hangad nang mag-ama ang suporta nang sambayanan hindi lamang sa Norte kung hindi sa buong bansa at maipagpatuloy ang nasimulang serbisyo ng kanilang pamilya. ###[Bernard Ver, RMN News]