SANGGOL AT SIYAM NA TAONG GULANG NA BATA, INILIGTAS NG BINATILYO MULA SA SUNOG SA BAYAN NG MANGATAREM

Katapangan at kagitingan ang ipinamalas ng isang binatilyong si Leonard Sambrano matapos nitong sagipin ang sanggol at siyam na taong gulang na bata sa nasusunog na bahay, kamakailan lamang sa bayan ng Mangatarem.
Makikipaglaro lang sana si Sambrano sa kapitbahay subalit hindi niya inaasahang makita’t madatnan nito na nasusunog na ang ikalawang palapag ng isang bahay sa kanilang lugar at di siya nag atubiling iligtas ang mga bata sa loob ng nasusunog na bahay.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng magulang ng mga batang nailigtas na tatanawin nila bilang utang ng loob sa kabayanihang ipinamalas ni Sambrano.

Kaya naman mula dito sa IFM Dagupan, saludo kami sa iyo Idol Leonard sapagkat isa kang maituturing na real life superhero at hindi maipagkakailang tunay na Idol. |ifmnews
Facebook Comments