CONSTRUCTION WORKER SA DAGUPAN CITY KALABOSO MATAPOS MAHULIAN NG SHABU, BARIL MGA BALA AT GRANADA

Patong – patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang bente kwatro anyos na construction worker matapos magpositibo ang ikinasang Buy Bust Operation laban dito sa Dagupan City.
Ang suspek ay nakilalang si Jethro Senting residente ng Brgy. Lucao Dagupan City.
Nagkasa ng Buy Bust Operation ang PNP laban sa suspek sa tabi ng isang bus terminal pasado alas onse ng Gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng aabot sa dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng anim na gramo at nagkakahalaga ng aabot sa apatnapung libong piso, Isang Granada, Isang Caliber 38 Revolver at anim na bala nito at Ilan pang mga Illegal drugs paraphernalia.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments