Sanggol na kasamang nahulog sa tulay sa Kabankalan City, pumanaw na

1387
(Screenshot from Sunny Bancal video on Facebook)

KABANGKALAN CITY, Negros Occidental – Binawian ng buhay ang 5-buwang sanggol na kasamang nahulog nang maputol ang hanging bridge habang nasa kasagsagan ng fluvial parade noong Linggo, Enero 19.

Sa salaysay ni Judson Cabalatungan, operations head ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDDRMO), ayon sa mga magulang ng bata, pinasukan umano ng tubig ang baga ng paslit na naging sanhi ng pagkamatay nito.


Naiulat na nasawi ang sanggol bandang alas-5 ng hapon.

Maalalang nangyari ang insidente habang marami ang nanonood sa noo’y ipinagdiriwang na fluvial parade para sa pista ng Sto. Niño sa Negros.

Ngunit sa kasamaang-palad ay naputol ang kable ng naturang tulay na ikinahulog ng nasa walo katao kabilang ang nasawing sanggol.

Sa ngayon ay hindi na raw nadagdagan pa ang bilang ng mga biktima dahil may mga nakaabang na rescue personnel sa lugar.

Facebook Comments