Sanggol, natagpuan sa bagahe ng Amerikano sa NAIA

380

Hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babaeng Amerikano matapos makita ng awtoridad ang isang sanggol sa loob ng kanyang bagahe, Miyerkules.

Kinilala ang dayuhan na si Jennifer Talbot, 43, na nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) deputy spokesperson Melvin Mabulac, papunta nang United States si Talbot nang madiskubre ng awtoridad sa Terminal 3 ang sanggol.


Wala umanong maipakitang dokumento si Talbot para ilabas ng bansa ang sanggol na napaulat na isang FIlipino, at 6 araw na gulang pa lamang.

Dinala na ang bata sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isinangguni na rin daw ang kaso sa anti-trafficking agency ng NBI.



Facebook Comments