Sangguniang Panlungsod Garry Galutera, Aaksyunan ang Pagkalason ng mga Estudyante sa CCNHS!

Cauayan City, Isabela – Hindi palalampasin ni Sangguniang Panlungsod Garry Galutera ang naganap na pagkalason sa dalawamput dalawang estudyante ng Cauayan City National High School o CCNHS matapos na kumain ng siomai kahapon, June 5,2018.

Ayon kay City Councilor Galutera, makikipag-ugnayan siya sa pamunuan ng nasabing paaralan upang magkaroon ng pulong na kasama ang mga may-ari at mga nagtitinda ng pagkain sa loob ng paaralan.

Aniya layunin ng isasagawang pulong na hindi na maulit ang pagkakalason sa mga estudyante upang makita at masigurado ang kaligtasan ng bawat estudyante sa Cauayan City National High School.


Magugunita na isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang 22 estudyante dahil sa pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan matapos kumain ng siomai na nabili sa tindahan ng pagkain sa loob ng nasabing paaralan.

Facebook Comments