NAGPAKAMATAY | Sikat na American fashion designer na si Kate Spade, nagsuicide

Wala ng buhay nang makita sa loob ng kanyang apartment ang tanyag na American fashion designer na si Kate Spade.

Sinasabing nakita ng kanyang housekeeper si Spade na nakabigti sa loob ng kanyang kwarto.

Wala ng malay noon ang fashion designer kaya kaagad itong tumawag sa 911 para humingi ng tulong.


Hinala ng mga otoridad, nagpatiwalakal si Spade, batay na rin sa isang note na nakalagay sa tabi ng kanyang bangkay.

Ngunit hindi naman ipinaalam ng mga pulis ang laman ng sulat.

Facebook Comments