Sangkap sa paggawa ng bomba na ginamit sa Quiapo Blast, natagpuan sa isang bahay sa Palanca, Quiapo

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na natagpuan nila sa isang bahay ang sangkap sa paggawa ng bomba partikular ang pipe bomb na ginamit sa pagpapasabog sa mataong lugar sa Quiapo, Maynila.

Nakumpiska sa sinalakay na bahay sa Palanca St., Quiapo ng nasabing lungsod ang ilang sangkap sa paggawa ng pipe bomb tulad ng GI pipe, higit 400 gramo ng gunpowder, 2 electrical match, 3 electrical wire, 24 pirasong nuts at 3 bolts, 1 external speaker, 1 soldering lead, 2 basyo ng bala ng shotgun.

Nabatid na ang pagsalakay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ay para dakpin ang pakay na suspek sa naganap na pagpapasabog.


Isang lalaki umano ang nakitang inaresto ng MPD mula sa nasabing raid at hindi pa tiyak kung siya ang suspek sa pagpapasabog.

Nabatid na nagsagawa ng surveillance sa nasabing lugar na sakop ng barangay 648, Zone 67, District 6 sa Quiapo kung saan sinasabing nagtatago ang suspek sa pagpapasabog.

DZXL558

Facebook Comments