Sangkot sa mga kaso ng pagpatay sa mga menor de edad, dapat tiyaking mananagot

Kinondena ni opposition Senator Leila de Lima ang panibago na namang mga kaso ng pagpatay sa menor de edad na naganap sa anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Laguna at anti-insurgency operation ng militar sa Surigao del Sur.

Diin ni De Lima, patunay ito ng kabiguan ng estado na protektahan ang mga bata, mga kabataan at mga katutubo laban sa summary execution at extrajudicial killings.

Panawagan ni De Lima, agad ikasa ang malalimang imbestigasyon sa mga nagaganap na extrajudicial killings sa mga kabataan upang lumitaw ang katotohanan at matiyak na mapapanagot ang may sala.


Giit ni De Lima, dapat magbayad ang mga otoridad na nakakagawa ng kapalpakan sa mga operasyon.

Nanawagan si De Lima na itigil na ang kultura ng patayan at impunidad sa ating bansa dahil kapag hinayaan lang ito ay parang kinunsinte na rin ang mga pang-aabuso at pinalakas pa ang loob ng mga gumagawa ng brutal at iligal na pagpatay.

Facebook Comments