Santiago City – Nasa dalawampu’t limang daang piso ang halaga ng mga nasunog na apat na bahay na naganap noong ika dalawampu’t walo ng Abril taong kasalukuyan sa Purok 2, Mabini, Santiago City, Isabela partikular sa squatters area ng lungsod.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay SFO1 Alberto Timbal, Chief Investigator ng BFP Santiago City, batay sa kanilang patuloy na pagsisiyasat ay nakita na nagkaroon umano ng short circuit sa isang refrigerator na naging sanhi ng sunog kung saan nagsimula ito sa bahay ni ginang Emie Tugas.
Kabilang sa mga bahay na tinupok ng apoy ay pagmamay-ari nina Renato Espinosa Jr., Dante Espinosa at Lorna Asuncion.
Nagsimula ang sunog bandang alas diyes singkwentay kwatro ng umaga at tumagal naman sa dalawampu’t walong minuto bago naapula ang sunog.
Ayon pa kay SFO1 Timbal, mabilis umanong kumlat ang sunog dahil gawa lamang sa mga light materials ang mga nasunog na bahay.
Mabuti na lamang umano at walang nasaktan o insidenteng naitala na may kaugnayan sa naganap na sunog.