SANITARY LANDFILL SA URDANETA CITY, MULING IPINASARA NG DENR-EMB

Muling naghain ng cease and desist order ang Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa isang sanitary landfill sa lungsod ng Urdaneta sa Barangay Catablan.

Ito’y matapos lumabag ang naturang landfill sa Republic Act 9275 o ang Philippine Clean Water Act.

Inihain ng kawani ng DENR-EMB ang Pollution Adjudication Board (PAB) Order sa mismong alkalde ng bayan sa City Hall noong ika-1 ng Marso.

Dumiretso ang mga kawani ahensya sa mismong sanitary landfill upang lagyan ng concrete seal ang daluyan ng katas ng basura na dumidiretso sa Sinocalan River at sinabitan ng closure signage ang main entrance nito.

Matatandaan na sinilbihan na ng dalawang CDO ang sanitary landfill noong ika-5 ng Marso noong nakaraang taon. | ifmnews

Facebook Comments