Mga gasolihan sa QC, may iba’t ibang gimik para makahikayat ng costumer

Kaniya-kaniyang pakulo ngayon ang ilang gasolinahan sa Quezon City para makahikayat pa ng mga customer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa sangay ng Shell sa Timog Avenue, may alok silang libreng isang kilong bigas sa kada isang libo hanggang 1,500 halaga ng gasolina at diesel.

Sa isang sangay naman ng Caltex sa E.Rodriguez Avenue, iisang pack ng sabong panlaba ang kanilang alok sa kada 220 pesos na halaga ng diesel o gasolina na ipakakarga sa kanila.


Sa sangay naman ng Cleanfuel sa Timog Avenue, may promo naman sila kung saan maari kang makakuha ng t-shirt, bigas, helmet o appliances gaya ng kalan, electric fan o rice cooker batay sa points na maiipon mo sa kanilang VIP cards.

Ayon sa gasoline boy na si Jan-jan, kagabi pa lang ay marami nang nagpa-fulltank na sasakyan matapos na mabalitaan na tataas ng hanggang limang piso ang kada litro ng diesel.

Sa ngayon, matumal pa at wala pang masyadong pila ang mga sasakyan sa ilang mga gasolinahan ngayong umaga.

Facebook Comments