Santiago City Drug Abuse Council, Patuloy ang Pagsupil ng Iligal na Droga!

Patuloy ang pagkilos ngayon ng City Anti-drug Abuse Office sa pakikipagtulungan sa mga otoridad upang masupil ang iligal na droga sa lungsod.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Johanna Gabriel ng City Anti-drug abuse office sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Kaugnay aniya sa patuloy na pagkilos ng kapulisan at mga otoridad ay ang pagtugon ng kanilang tanggapan upang tumulong sa mga nagiging biktima ng iligal na droga.


Sa ngayon ay isa umano sa kanilang binabantayan ay ang mga kabataan kung saan ay kalimitang nagiging biktima ng droga.

Dagdag nito ay tinututukan nila ang sangay ng mga kabataan sa paamagitan ng mga SK officers upang madaling mahimok ang mga kabataan para sa ibat ibang aktibidad at programa.

Ayon pa sa kanya ay mayroon umanong ginagawang mga module sa pakikipag tulungan ng kagawaran ng edukasyon upang hanggang sa paaralan ay maturuan ang mga kabataan sa kanilang murang edad sa epekto ng iligal na droga.

Bukod dito, sinabi pa ni Gabriel na nakalabas na ng bahay sagipan ang unang batch ng mga drug surendree matapos silang mamalagi doon ng isang buwan.

Matatandaan na noong ika-30 ng buwan ng enero ay pormal na inilunsad sa lungsod ng santiago ang pagbubukas ng bahay sagipan para sa mga namalikmata o nasangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments