Santiago City, Nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19

SANTIAGO CITY, SUNOD-SUNOD NA ARAW NA NAITATALA ANG MALAKING BILANG NG TINAMAAN COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng karagdagang positibong kaso ng COVID-19 ang Santiago City (COVID-19 Regional Case Bulletin #114, As of December 10, 2020 4PM) batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Batay sa resulta, kabuuang 25 ang naitalang positibo sa lungsod na pinakamataas na naitalang kaso sa buong lalawigan ng Isabela.


Bukod dito, naitala rin ng Tuguegarao City ang 9 na panibagong kaso ng tinamaan ng virus.

Kabilang naman sa mga bayan at siyudad na nakapagtala ay ang San Mariano na may lima (5), City of Ilagan na may apat (4); tatlo sa Delfin Albano habang bawat isa naman sa mga bayan ng Ramon, Cordon, Echague, Cauayan City, Burgos at San Isidro.

Nakapagtala rin ang bayan ng Baggao, Solana, Amulung, Peñablanca sa Cagayan at Sta. Fe sa Nueva Vizcaya.

Sa kabuuan, mayroong naitalang 58 kaso ng COVID-19 sa huling datos na isinapubliko ng ahensya.

Pakiusap ngayon ng DOH na sundin pa rin ang standard health protocol para makaiwas sa pagkahawa sa sakit.

Facebook Comments