Cauayan City, Isabela- Nangunguna ang Santiago City sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa buong Lalawigan ng Isabela.
Sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Biyernes, Enero 21, 2022, mayroong 608 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Santiago City matapos madagdagan ng 83 na panibagong kaso.
Pumapangalawa ang Lungsod ng Cauayan na may 295 at pangatlo ang City of Ilagan na may 168.
Samantala, patuloy ang pagtaas ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela matapos makapagtala ng 387 na bagong tinamaan ng coronavirus.
Nasa 64,330 naman ang total cumulative cases ng COVID-19 sa Isabela kung saan 59,638 rito ang gumaling at 2,124 naman ang namatay.
Wala na rin COVID-19 free sa lalawigan ng Isabela matapos makapagtala ng isang panibagong kaso ang bayan ng Divilacan.
Facebook Comments