Santiago City Police Station 1, Nakatanggap ng Parangal Bilang Best Police Station Drug Enforcement Unit!

Santiago City – Tanging sipag, tiyaga at dedikasyon sa trabaho ang naging puhunan ng kapulisan sa Santiago City Police Station 1 bilang Best Police Drug Enforcement Unit na iginawad ng Kampo Krame.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago City Police Station 1 na ang basehan umano sa parangal ay dahil sa maraming operasyon hinggil sa droga lalo na ang mga nahuling high value target o high personality tulad ni Jonny de Leon na nasawi sa operasyon ngunit isang napakadulas na suspek sa droga at kilala sa buong rehiyon dos.

Kabilang din umano ang nahuling isang high personality ng droga kamakailan matapos ang mahabang panahon na hinanap ng kapulisan.


Sinabi pa ni Chief Inspector Gatan na marami ang nasa listahan na top ten at natapos na ito lahat kung kaya’t ito rin ang dahilan na napagtagumpayan ng Station 1 ang nasabing parangal.

Iginiit pa ni PCI Gatan na bahagi umano sa tagumpay ng Station 1 ang mamamayan at mga barangay officials dahil sa suporta at tiwala na kanilang ibinigay sa kapulisan sa kanilang mga operasyon.

Facebook Comments