Vatican – Idineklarang ganap nang mga santo ang batang magkapatid na si Jacinta at Francisco Marto kahapon sa pangunguna ni Pope Francis.
Sa banal na misa, mismong ang mahal na Santo Papa ang nagdeklara ng pagiging santo ng dalawang batang Portuguese sa Fatima Shrine Complex sa Portugal na dinaluhan at sinaksihan ng halos milyong deboto na mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kasabay ng proklamasyon sa kanila bilang mga santo ay ang paggunita sa ika-100 taong anibersaryo matapos silang pagpakitaan ng mahal na Birheng Maria noong 1917.
Nabatid na si Jacinta at Francisco ang kauna-unahan sa kasaysayan ng simbahan na mga batang Santo at hindi mga martir.
DZXL558
Facebook Comments