Minamadali na ngayon ng Metro Naga Water District (MNWD) ang pagsasaayos ng 2 sirang water pumping stations sa Salunggigi at Monte Cielo. Ito ay bahagi ng paghahanda ng MNWD Management kaugnay ng nalalapit na Peñafrancia Fiesta sa darating na Setyembre. Ayon kay Board Chair Jorge Palma, kahit 26 pumping stations na ang nag-ooperate ngayon ng 16 hours daily, nais nilang paganahin pa ang 2 pumping stations para matiyak na sapat ang supply ng tubig lalung-lalo na sa kasagsagan ng kapyestahan sa Setyembrte kung kelan inaasahang mas malaking volume ng tubig ang kakailanganin. Malaking dagdag sa supply ng tubig ang pagsasaayos ng nasabing 2 sirang pumping stations at pagpapalawig pa ng operation hours ng mga ito.
Sa kabilang dako, inaasahang magiging operational na rin ang rescue boat ng MNWD para masuplayan ng tubig ang mga coastal barangays ng apat na mga bayan ng Gainza, Camaligan, Canaman at Magarao sa Camarines Sur na sakop ng MNWD.