Sapul sa CCTV: Babaeng may polio, tumilapon matapos mabangga ng sasakyan sa QC

Quezon City – Sugatan ang isang babaeng may polio matapos mabangga ng isang sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV, bibili lamang ng tinapay sa bakery ang biktimang si Catherine Lobitanya.

Naglalakad lamang ang biktima sa loob ng sidewalk nang biglang umiba ng linya ang isang sasakyan kung saan sumampa na ito sa banketa at natumbok ang biktima.


Ayon kay Barangay Old Balara Chairman Allan Franza – sa lakas ng impak, tumilapon ang biktima habang ang sasakyan ay nagtulu’y-tuloy hanggang sa mabangga ang isang nakaparadang trak.

Sinabi ng ninang ng biktima – kinakailangang operahan sa ulo ang biktima dahil sa sugat na natamo.

Nakausap na ng driver ang pamilya ng biktima at may kasunduang pinirmahan ang magkabilang kampo.

Nangako naman ang driver na sasagutin ang gastos ng biktima sa ospital hanggang sa gumaling ang biktima.

Facebook Comments