Sarah Santiago ng Quezon City, wagi sa Bisikletrabaho promo ng DZXL 588 Radyo Trabaho

Mag-uuwi rin ng bisikleta si Sarah Santiago ng Balintawak, Quezon City matapos na maswerteng mabunot sa ating “Bisikletrabaho Year 3: Anibersaryong Handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho.”

Si Sarah ay ang ikalawang lucky winner sa ating promo na sumali online.

Sa interview sa programang “Meet the Boss”, sinabi ni Sarah na gagamitin niya ang napanalunang bisikleta sa pagde-deliver ng mga itinitinda niyang cordon bleu.


Samantala, isa pang maswerteng mananalo ng bisikleta ang bubunutin mamayang alas 11:30 ng umaga sa programang Usapang Trabaho.

Ang ating ikatlong lucky winner ay manggagaling sa mga nabigyan ng raffle coupon on ground ng DZXL RT Team at reporters.

Tutok lang at baka ikaw na ang maswerteng mabunot sa aming Bisikletrabaho Year 3 Promo!

Facebook Comments