Nag-amok na residente, sanhi ng pagkasunog ng ilang kabahayan sa sunog sa Barangay BF Homes sa Parañaque City

Dalawampung pamilya ang nawalan ng tahanan matapos masunog ang sampung kabahayan sa Apitong St., Masville BF Homes, Parañaque City.

Nagsimula ang sunog alas-7:27 ng gabi na agad itinaas sa unang alarma.

Bandang alas-7:42 ng gabi nang itaas ito sa 2nd alarm at idineklarang fire under control bandang alas-8:21 ng gabi.


Mula sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), batay sa salaysay ng ilang residente, bago nangyari ang sunog ay nag-amok muna ang suspek dahil hindi makatulog sa epekto ng bakuna.

Dito na umano sinilaban ng suspek ang sariling bahay.

Sinibukan itong pigilan ng kanyang kumpare na kinilalang si Jojo Anahaw at kapitbahay na si Dindin Dacanay ngunit hinampas naman sila ng tubo sa ulo ng suspek.

Kapwa nagtamo ng sugat ang dalawang biktima habang nagtamo rin ng sugat dahil sa sunog ang suspek.

Facebook Comments