Ang sarciado ay nagmula sa salitang Espanol na nangangahulugang “with sauce.” Ang sarciadong isda ay isang ulam na isang pritong isda na may sauce na gawa sa kamatis at sibuyas, mayroon din mga seasoning para maging mas malasa ito! Pwede ito sa iba’t ibang uri ng isda; pwede ito sa tilapia, bangus, lapu-lapu at iba pa! Pero sa recipe na ito, gagamit tayo ng tilapia dahil ito ang pinaka-madaling mahanap sa mga suki sa palengke at kung saan man.
Pwede kayong gumawa ng sarciadong isda sa inyong mga tahanan, mga idol! Basta sundin ang mga sumusunod:
Ingredients:
- 2 Tilapia (nalinis)
- 3 pirasong Kamatis, diced
- 3 pirasong sibuyas, diced
- 1¾ basong tubig
- ½ kutsaritang pamintang durog
- 2 kutsaritang tinadtad na bawang
- 3 itlog na hinalo
- 2 kutsaritang patis
Instructions:
- Lagyan ng asin ang isda at painitin ang kawali bago lagyan ng mantika ang kawali. I-prito ang isda.
- Pagkatapos ma-prito ng isda, ilagay sa isang plato na may paper towel upang mawala nag mantika sa isda. Isantabi muna.
- Gamit ang malinis na kawali, lagyan muli ng 2 kutsaritang mantika at i-gisa ang bawang, sibuyas, at kamatis.
- Idagdag ang patis at paminta at haluin at hayaang kumulo.
- Ilagay ang prinitong isda sa sauce na ginawa at hayaang kumulo nang 3-5 minutes.
- Ilagay ang hinalong itlog at siguraduhing pantay ang pagkakalagay.
- Once na malapit nang maluto ang itlog, haluin ito kasama ang isda.
- Pakuluin muli nang 2 minuto tapos isalin sa isang plato.
- Ihain nang mainit. Enjoy!
Facebook Comments