Manila, Philippines – Sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang Overseas Filipino Workers na manggagaling sa Kuwait.
Sa official schedule ng Pangulo ngayong araw, pasado 6:00 mamayang gabi ay inaasahan ang Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 para salubungin ang mga OFW na nakabenepisyo sa ipinagkaloob na amnesty kung saan kabilang sa mga ito ang mga OFW na overstaying at mga nakatakas sa kanilang mga employers.
Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro, aabot sa 2500 mga aplikante ang napahintulutang makaalis sa Kuwait sa ilalim ng Amnesty Program ng Kuwaiti Government.
Aabot din aniya sa 10,000 ang mga OFW na napag-alamang overstaying sa Kuwait kung saan 8,000 dito ay mga Domestic Workers at karamihan sa mga ito ay nakaranas ng pagmamalupit mula sa kanilang mga employers.