*Cauayan City, Isabela-* Umaabot na ngayon sa mahigit tatlong libong botante ang nakapagparehistro sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) dito sa Lungsod ng Cauayan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni COMELEC Officer Ephigenia Marquez kung saan puspusan pa rin ang kanilang isinasagawang satellite registration sa mga malalaking barangay dito sa Lungsod ng Cauayan upang matiyak na makapagparehistro ang mga kwalipikadong boboto.
Maganda naman umano ang resulta ng kanilang satellite registration dahil sa kooperasyon ng mga Cauayenos at kusa rin umanong nagsasadya ang iba upang makapagparehistro sa kanilang tanggapan.
Kaugnay nito ay nakikiisa rin ang mga Sangguniang Kabataan sa pamamagitan ng kanilang kampanyang “No Bio, No Boto” upang matutukan naman ang mga kabataang hindi pa nakapagparehistro.
Paalala naman ng COMELEC na huwag umanong kalimutan ang mga pangunahing requirements upang mabilis na matapos sa pagpaparehistro.