SATELLITE REGISTRATION SA LUNGSOD NG CAUAYAN, ILULUNSAD MULI NG COMELEC

Naghahanda na ang Commission on Election (COMELEC) para sa puspusang pagdagsa ng mga magparehistro sa kanilang tanggapan matapos ianunsyo ang pagbabalik muli ng Voters Registration, mula December 12, hanggang January 31, 2022.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Christopher Thiam, Election Officer 4, magsasagawa ang Education and Information Division (EID) ng COMELEC na mula pa sa lungsod ng Maynila ng voter’s education sa darating na ika-12 ng Enero, taong 2023.

Pangunahing target ng nasabing information campaign ay mga kabataan at estudyante na mula sa mga lungsod ng Cauayan, Santiago, at Ilagan.

Sa Cauayan City, gaganapin ang nasabing aktibidad sa Cauayan Stand Alone Senior High School.

Magkakaroon rin aniya ng Satellite Registration ang nasabing ahensya para sa mga estudyante sa nabanggit na paaralan na nasa edad 15 hanggang 17.

Maliban dito, personal rin aniyang tutunguhin ng COMELEC ang mga residente na mula pa sa malalayong Barangay upang hindi na aniya sila mahihirapan pang magtungo sa kanilang tanggapan upang mag pa rehistro, mag-renew, reactivation, at iba pa.

Samantala, para sa mga kabataan, kailangan lamang magpresenta ang mga ito ng kanilang valid id, school id, o birth certificate.

Facebook Comments