KARAGDAGANG MULTI-PURPOSE TRUCK, HINILING NA NI CAUAYAN CITY MAYOR DY

Humiling nang muli si Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr., sa Pamahalaang lalawigan ng Isabela Gov. Rodito Albano III ng walong (8) karagdagang multi-purpose truck para sa natitirang Barangay sa syudad ng Cauayan na hindi pa umano nabibigyan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor. Dy, mula sa 65 Barangay sa siyudad ay walo na lamang aniya ang hindi pa napapamahagian partikular na ang Poblacion Area.

Batid aniya ni Mayor Dy na malaki ang tulong ng mga nasabing trucks dahil maliban sa maaari itong gamitin bilang transportasyon ng mga tao, ay maari rin gamitin ng bawat barangay sa emergency relief operations, garbage disposal, pagsasaayos ng mga daanan, at maging sa paghakot ng mga ilang kagamitan.

Hindi na rin aniya kakailanganin pang magtungo sa munisipyo upang magpaschedule ng paghiram ng mga truck kung sakali mang may aktibidad ang Barangay dahil mayroon na aniya silang sari-sarili.

Nagpasalamat naman si Mayor Dy kay Provincial Governor Rodolfo Albano sa patuloy na pagsuporta sa pagunlad ng lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments