Saudi Arabia Ambassador, nakipagkita kay Defense Secretary Delfin Lorenzana

Nagsagawa ng introductory call si Saudi Arabia Ambassador to the Philippines Hisham Sultan Al Zafir Alqahtani kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Director Arsenio Andolong, kahapon tumungo sa tanggapan ng DND sa Camp Aguinaldo si Ambassador Alqahtani.

Sa kanilang pag-uusap, natalakay ang ilang mahahalagang usapin katulad ng defense cooperation agreement, pagsasagawa ng high-level visits at maging defense industry at logistics collaboration.


Sinamantala rin ni Secretary Lorenzana ang pagkakataon para magpasalamat sa Saudi Arabia ang pagbibigay ng tulong sa mga Marawi City.

Nabanggit din ng kalihim kay Alqahtani ang patuloy na development at challenges sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa huli, kapwa nagkasundo ang dalawang opisyal na ipagpapatuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Saudi Arabia lalot taong 1969 pa nang mabuo ang diplomatic relations.

Nagpahayag din si Alqahtani na kagustuhang magbigay ng tulong sa Pilipinas kabilang na ang medical assistance para labanan pa rin ang COVID-19 pandemic at tulong sa development sa BARMM.

Facebook Comments