Pangasinan – Patay sa pananambang ang isang kakandidatong Konsehal sa Bayambang, Pangasinan.
Naglalakad lang malapit sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion ang biktimang si Levin Uy nang pagbabarilin siya ng hindi pa nakikilalang suspek.
Sugatan din sa insidente ang kasama nitong si Cesar Salosagcol.
Si Uy ay dating konsehal ng bayan at kasalukuyang Chairman ng “Kasama Ka Sa Barangay Foundation”.
Inaalam pa ng mga otoridad kung posibleng may kinalaman sa muli niyang pagtakbo bilang konsehal ang pananambang.
Facebook Comments