SAWI | Negosyanteng Tsinoy, patay matapos pagbabarilin sa Cordova City, Cebu

Cebu City – Patay ang isang Filipino-Chinese national na high value target ng pulisya matapos na pagbabarilin sa Barangay Poblacion, Cordova City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Gary Ong Go, 57-anyos, isang negosyante at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Pasakay na sana sa kanyang sasakyan ang biktima nang dumating ang isang van at bigla itong pinagbabaril.


Inaalam ngayon ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na agad na tumakas matapos ang insidente.

Nabatid na nauna nang naaresto noong 2015 sa isang buy-bust operation sa Quezon City ang nasabing tsinoy kung saan nakuhanan ito ng 45 kilo ng iligal na droga.

Facebook Comments