SAWI | Sundalo pinatay na, sinunog pa

Cebu – Sunog na sunog at halos hindi na makilala ang isang miyembro ng Philippine Airforce na natagpuan sa back sit ng isang Suzuki van nasunog sa Brgy. Valencia, Carcar City sa Cebu.

Kinilala ang biktima na si Staff Sergeant Mark Herbert Oberes, 37-anyos nakatira sa Sangi Barangay Pajo Lapu-Lapu City.

Ang asawa ng biktima ang kumilala sa sunog na katawan ni Oberes sa punerarya na dinalhan dito.


Kahapon ng madaling araw, isang kagawad sa Brgy. Valencia sa Carcar ang nag-report sa mga otoridad sa lumiliyab na sasakyan sa nasabing lugar kaya agad itong rumespunde.

Dalawang person of interest na ang nasa kustodiya ng mga otoridad habang nakikipag-ugnayan ang Carcar police sa Talisay city police station kung saan hinihalang sa Talisay nangyari ang pagpatay kay Oberes.

Patuloy na inaalam ng otoridad ang motibo at pagsunog kay Oberes.

Facebook Comments