SAWI | Tatlo patay matapos malunod sa Laguna de Bay

Manila, Philippines – Patay ang 3 indibidwal makaraang hampasin ng malalaking alon ang kanilang bangka at malunod sa Laguna lake kaninang madaling araw.

Sa report ng Southern Police District, alas dose kwarenta kaninang madaling araw nang matagpuan ang mga labi ng biktima.

Kinilala ng SPD ang mga biktima na sina:


1) Evangeline Garcia y Cabayoa 40 y/o ng Dreamland Brgy Hagonoy Taguig City.
2) Jose Rudy Posadas y Eslana 55 y/o ng #73 3rd St GHQ Village Zone 1 Brgy Katuparan Taguig City.
3) Arnold Garcesa legal age ng Dreamland Brgy Hagonoy Taguig City.

Sa salaysay ng nakaligtas na kasamahan ng mga biktima 5 silang sakay ng motor banca patungo ng Laguna de bay makaraan silang mag inom.

Pero sa kasamaang palad, hinampas ng naglalakihang alon ang bangkang kanilang sinasakyan dahilan para ito ay lumubog.

Maswerte namang nakaligtas ang 2 biktima na sakay din ng bangka na sina Romel Villar y Posadas at Willy John Guanzon.

Facebook Comments