SUBPOENA | Dalawang bus at 4 na jeepney, nasampolan sa “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” ng I-ACT

Manila, Philippines – Dalawang pampasaherong bus at apat na jeepney ang nasampolan sa ikinasang operasyon laban sa mga pumapasadang kakarag karag na PUV sa Metro Manila.

Ayon kay deputy traffic task force Alamid head Jose Manuel Bonnevie, mismong si Usec Tomas Orbos ang sumita sa Stella may bus Starr at Malanday Metrolink na may rutang Monumento dahil sa pagbubuga ng maitim na usok.

Ang apat na jeepney naman ay sinita dahil sa walang signal light, hand brake, at kalbong gulong.


Hindi pa naman sila papatawan ng parusa. Sa halip ay sinilbihan muna ng subpoena para sapilitang isailalim sa isasailalim sa road worthiness sa ilalim ng Motor Vehicle Inspection service.

Facebook Comments