Manila, Philippines – Naniniwala si Foreign Secretary Alan Peter Cayetano na hindi praktikal para sa Pilipinas na maghain ng panibagong kaso laban sa China kaugnay ng pagkasira ng coral reef sa Scarborough Shoal.
Ito ay matapos imungkahi ni Acting Chief Justice Antonio Carpio na maghain ng panibagong kaso dahil sa pagkasira ng bahura sa Scarborough dahil sa pagkuha ng Taklobo o mga giant clams ng mga Tsino.
Ayon kay Cayetano, muli lamang itong magdudulot ng lamat sa relasyon ng Pilipinas at China.
Aniya, maaari ring masakripisyo ang pamumuhunan, turismo at iba pang mga pwedeng ibigay ng China sa Pilipinas.
Giit pa ni Cayetano, walang masama sa sinabi ng China na dahil sa goodwill o kabutihang loob kaya at nakakapangisda pa ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal.