Schedule sa pamamahagi ng claims para sa mga biktima ng Martial Law noong rehimeng Marcos, posibleng sa Abril pa mailabas ng CHR

Manila, Philippines – Sa Abril pa posibleng mailabas ng Commission on Human Rights (CHR) ang schedule ng pagkuha ng claims ng mga biktima ng pang-aabuso sa karaparang pantao noong rehimeng Marcos.

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng kongreso hinggil sa extension sa pagbibigay bayad-danyos ng pamahalaan.

Sa ilalim din ng joint resolution, inatasan ang CHR bilang punong tagapangasiwa sa pagbibigay ng victim claims.


Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackeline de Guia – malaking bagay para sa mga biktima na hindi pa rin nakakakuha ng bayad danyos ang pag-konsidera ng pamahalaan sa panibagong extension.

Gayunman, humingi muna ng pang-unawa ang CHR sa mga hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda dahil sa ilang problema na iniwan ng binuwag na kawanihan.

Batay sa datos ng binuwag na Human Rights Victims Claims Board (HRVCB), higit 11,000 mula sa 75,000 aplikante pa lang ang naaprubahan mula ng isabatas ang pagbibigay claims noong 2013.

Napag-alaman din na nakasara na ang account ng HRVCB sa land bank at naibalik na ang pondo sa Bureau of Treasury

Facebook Comments