Sen. Bong Go, napiling standard bearer sa 2022 elections ng PDP-Laban

Inilabas na ng national council ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang mga nominado nito para sa 2022 elections.

Ito ang kinumpirma ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi kung saan sina; Senator Christopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte ang nominado para sa pagka-presidente at bise-presidente.

Nilinaw naman ni Melvin Matibag, Acting secretary-general ng PDP-Laban, na posibleng may iba pang tandem ang maisama sa mga nominado dahil pinag-uusapan pa ang Go-Duterte tandem.


Matatandaang una ang sinabi ni Senator Go na hindi ito tatakbo sa eleksiyon na posible pang magbago kung magpapasya si Pangulong Duterte na kumandidato.

Facebook Comments