Kasunod na rin ito sa naging pahayag ni Senate President Tito Sotto III na hindi umano tumalab sa mga businesses ang mga nagtapos sa K12 curriculum dahil mas pinipili pa ring kunin ang mga aplikanteng College graduate.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Primitivo Gorospe, nirerespeto nito ang naging opinyon ng outgoing Senate President subalit kailangan aniyang maintindihan ito ng publiko lalong-lalo na ang mga employers o entrepreneurs na ang mga Senior High graduates ay competitive din dahil may kanya-kanyang track at strands na tinapos.
Ipinaliwanag nito na ang bawat mag-aaral sa Senior High ay may mga kinukuhang “Exit” bilang preparasyon o gabay sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo gaya ng Academic Track na binubuo ng General Academic Strand o GAS; Accountancy and Business Management o ABM; Humanities and Social Sciences o HUMSS at Science, Technology, Engineering and Mathematics o STEM.
Meron din aniyang track o preparasyon para sa mga gusto nang mag-apply ng trabaho pag nakatapos ng Senior High tulad ng TVL strand o Technical-Vocational – Livelihood track na kung saan mabibigyan na ng National Certification II mula sa TESDA ang mga mag-aaral na kumuha ng TVL kung saan maaari na nila itong magamit para sa kanilang pag-aapply ng trabaho.
Kaugnay nito, bamagat higit na prayoridad ng mga employer ang mga Degree holder kaysa sa mga K12 graduates ay kumpiyansa pa rin si Gorospe na kayang makipagsabayan ng mga TVL graduates sa K12 sa ibang mga aplikante kung skills lamang ang pag-uusapan.
Kaya naman panawagan ni Gorospe sa mga kumpanya na naghahanap ng aplikante na ikonsidera rin ang mga nagsipagtapos sa K12 partikular na ang mga nakatapos ng TVL track.