Science na pinagbasehan ng paggamit ng face shields, dapat ipaliwanag ng gobyerno sa publiko

Iminungkahi ni Senator Koko Pimentel sa gobyerno na ipaliwanag sa publiko ang science na pinagbasehan ng pananatili ng mandatory na pagsusuot ng face shield.

Sa pagkakaalam ni Pimentel ay ang Pilipinas na lang sa buong mundo ang nagpapatupad ng pagsusuot ng face shield bukod sa face mask kahit sa outdoor o mga bukas na lugar kung saan kayang pahinain ng init at hangin ang virus.

Sabi ni Pimentel, baka naman may alam ang ating mga eksperto na nagpayo sa pamahalaan ukol sa paggamit ng face shield na hindi alam ng mga eksperto sa ibang bansa kaya tayo lang gumagamit nito.


Kaugnay nito ay iginiit ni Pimentel na hindi dapat hayaang magamit ang pagpapasuot sa face shields para pagmultahin ang mga hindi sumusunod dito.

Facebook Comments