Marikina LGU, target magbakuna ng 13,000 ngayong araw

35

Patuloy ang pagdagsa ngayong araw ng mga magpapabakuna laban sa COVID-19 sa Marikina Sports Complex Mega Vaccination Site.

Ayon kay Mark Castro, head of Logistics and Scheduling ng Marikina Vaccination na mas lalong tumaas kasi ang bilang ng babakunahan ngayong araw.


Aniya, 13,000 indibidwal ang target nilang mabakunahan ngayong araw sa lungsod ng Marikina.

Matatandaan, nagsimula sa 3,000 ang binabakunahan ng lungsod kada araw, tumaas sa 5,000 kada araw, hanggang sa gawing itong 13,000 ngayong araw.

Ang Marikina Sports Complex ay isa lang sa mga mega vaccination site ng lungsod, kung saan 5,000 ang target nilang mabakunahan dito.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 115,000 indibidwal ang nabakunahan na sa Marikina, kung saan kabilang dito ang mga nasa priority list group.



Facebook Comments