Baguio, Philippines – Kinumpirma at idineklara ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na Drug-Free ang Barangay Scout Barrio sa Baguio City.
Sa isinagawang seremonya sa barangay hall ng Scout Barrio ay idiniin ni PDEA-Cordillera Regional Director Edgar Apalla ang importansya ng pagiging Drug-Free ng Scout Barrio para maging halimbawa sa iba pang baranggay.
Samantala noong nakaraang taon ay aabot sa dalawampu’t tatlo o 23 na Barangay ang nai deklarang Drug-Free. Sa ngayon ay ang natitirang pang pitumpu’t apat o 74 na area sa buong Cordillera ang target na linisin mula sa droga ng PDEA ayon parin kay Regional Director Apalla.
Sa lugar nyo iDOL, drug-free na rin ba?
Facebook Comments