Umabot sa 76.5 kilo o katumbas ng 15 sako ng basura ang nakolekta sa muling pagsasagawa ng SCUBAsurero sa Hundred Islands National Park noong Nobyembre 6, 2026.
Layunin ng aktibidad na patuloy na mapanatili ang kalinisan ng karagatan at mapangalagaan ang yamang-dagat sa naturang protected area.
Nakiisa bilang mga sponsor at kalahok ang Rotary Club of Hundred Islands, Rotary Club of Bayambang, Rotary Club of Bauang, Rotary Club of Urdaneta, at Rotary Club of Bangued.
Nakibahagi rin sa aktibidad ang iba’t-ibang lokal na ahensya tulad ng City Environment and Natural Resources Office o City ENRO, Hundred Islands National Park Protected Area Management Board (HINP-PAMB), DENR Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Western Pangasinan, Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ACTCAO, Bantay Dagat, at Task Force ISLA Divers.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko at iba’t ibang sektor na makiisa sa mga gawaing pangkalikasan upang mabawasan ang polusyon sa karagatan at mapangalagaan ang likas na yaman para sa susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







