Cauayan City, Isabela – Masaya at matagumpay na isinagawa ang School’s Division Office o SDO 13th Founding Anniversary ngayong araw March 8, 2018 sa F. L.Dy Memorial Coliseum.
Dinaluhan ito ng mahit kumalang na 1,500 na mga guro mula sa publiko at pribadong mga eskwelahan sa lungsod ng Cauayan.
Ayon kay Schools Division Superintendent Gilbert Narag Tong, PhD, CEO VI, CESO V, layunin ng anibersaryo na bigyan ng karangalan ang mga guro at estudyante na nagpakita ng kanilang galing at talento sa ibat ibang lebel ng learning areas.
Sa naging mensahe nman ni OIC – Assistant Schools Division Superintendent Madelyn L. Macalling, PhD., CESE, ipinagmalaki nya na ang SDO Cauayan City ay naging best perfoming SDO sa buong rehiyon dos kung saan ito ay hinango rin sa temang Transform, Resilient and Sparkling @13.
Lahat umano ng naging tagumpay ng SDO ay dahil sa resilient schools leaders at committed teachers maging ang mga sparkling learners.
Lubos din ang pasasalamat ni OIC Macalling sa lahat ng City officials sa pangunguna ni City Mayor Bernard Faustino M. Dy na dumalo lahat sa nasabing okasyon.
Ang SDO Anniversarry ay pinundohan ng city government sa halagang 500,000.00 at ibinigay din ang mga pabuya sa lahat ng mga atleta,team leaders at mga coaches sa katatapos na CaVRAA 2018.
Si Provincial Governor Faustino “Bojie” G. Dy III ang naging pangunahing bisita kung saan nagbigay ng tig limang daang piso sa lahat ng mga guro na dumalo sa naturang anibersaryo.
Samantala naging bahagi sa okasyon ang search for Mr. and Miss DepEd at mga special numbers mula sa ibat ibang learning areas ng Cauayan City.