Dumulog sa Korte Suprema ang sea-based manning companies para hilingin na pigilin ang pagtaas sa mga premium ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Kabilang dito ang Blas Ople Policy Center, Philippine Association of Service Exporters Inc. O PASEI, at Joint Manning Group O JMG na nagsasabing makakaapekto sa Pinoy workers ang pagtaas sa SSS at Philhealth premiums.
Ayon kay PASEI Vice President Raquel Bracero, higit itong magdudulot ng dagok sa mga bagong hire na ofws.
Anila, hindi rin dapat ang land-based manning agencies ang sumagot sa premiums ng OFWs dahil ang kanilang employers ay ang foreign companies na kumuha sa kanila.
Iginiit naman ni dating Labor Undersec. Susan Ople na hindi nakonsulta ang ofws sa planong pagtaas sa SSS at Philhealth contributions.