Seaman, patay sa pag-ihi sa gilid ng barko

4483

Nasawi ang isang seaman matapos mahulog sa dagat nang umihi sa gilid ng barko, ayon sa ulat nitong Lunes.

Kinilala ang biktimang si Mark Gil Jarabe, 29, tubong Surigao City at chief engineer ng barkong M/V Yohan White.


Ayon sa Buenavista Police Station, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa ilalim ng dagat sa daungan sa nasabing bayan.

Nakaipit umano ang katawan ni Jarabe sa kahoy sa ilalim ng daungan na maaaring dahilan ng kanyang pagkalunod.

Lumabas sa imbestigasyon na Biyernes ng gabi nang mawala ang biktima at kinabukasan nang ipinagbigay-alam ito sa pulisya.

Sa pagsisiyasat, nadiskubre sa CCTV na bandang 12:55 ng madaling araw nang makita ang biktimang umihi sa gilid ng barko at biglang nahulog.

Facebook Comments