Itinigil na ang search and rescue operations sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa isang barangay sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Bangsamoro Interior Minister Naguib Sinarimbo na nauna nang nag-abiso ang Philippine Coast Guard na itigil na ang search and rescue operations at sa halip ay magsagawa na lamang ng retrieval operations.
Nasa 17 pang indibidwal ang patuloy pang pinaghahahanap dahil sa malawakang pagbaha at mga landslide na idinulot ng Bagyong Paeng noong manalasa ito sa lalawigan.
Batay sa datos ng PDRRMO, nasa 63 ang iniwang nasawi ng Bagyong Paeng sa lalawigan dahil sa pagbaha at landslides.
Umaasa naman ang pamahalaang panlalawigan na buhay pa ang labingpitong nawawala sa kabila ng mababang survival rate.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang Pangulong Bongbong Marcos sa mataas na bilang ng mga nasawi sa lalawigan dahil sa malakawang pagbaha.