Tuguegarao City, Cagayan –Nagpaligsahan ang mga estudyanteng kalahok mula sa ibat ibang eskuwelahan sa lungsod ng Tuguegarao para sa Search for Mr. & Miss School’s Division Office ng Tuguegarao City.
Ito ay ginanap sa SM Tuguegarao Downton (SMDT) noong ika-20 ng Enero taong kasalukuyan.
Ito ay upang makapamili ang lungsod ng Tuguegarao ng kinatawan nito sa paparating na search for Mr. and Miss CAVRAA-Cagayan Valley Regional Athletic Association.
Sa ginawang patimpalak kakisigan at katalinuhan ay nagwagi si Jashley Tungcul Pascual bilang Mr SDO Tuguegarao 2018.
Kanya ring nakuha ang mga special awards na Mr. SM Center Tuguegarao Downtown at Best in Sports Attire.
Samantala, sa kumpetisyon ng pagandahan at katalinuhan ay nagwagi si Lady Valerie Correo at nakoronahan siya bilang Miss SDO Tuguegarao 2018 at kanya ring nakuha ang pagkilala na Best in Talent.
Si Jashley Tungcul Pascual ay grade 8 ng Tuguegarao City Science High School (TCSHS) samantalang si Lady Valerie ay grade 10 ng Gosi National High School.
Silang dalawa ang kakatawan sa SDO Tuguegarao City sa search for Mr and Miss CAVRAA nitong darating na Pebrero.
Ang Mr SDO Tuguegarao 1st runner up ay si Ben Mar Bucayu of Cataggaman National High School (CatNHS) na nakuha ang Best in Smile, Best in Creative Ethnic Attire at Best in Production Number.
2nd runner up si John Wesley Pelagio ng Cagayan Nat’l High School (CNHS) na nakuha rin ang Best in Talent.
Naging 3rd runner up naman si Jhonvie Palligayan of Linao Nat’l High School (LNHS).
Sa mga kababaihan, Miss SDO Tuguegarao 1st runner si Jamie Caryl Mateos ng CatNHS.
2nd runner up is Kristine Mae Gregorio ng CatNHS na napanalunan din ang Best Production Number. 3rd runner up naman si Hanna Shane Cortina ng LNHS.
Ang Best Creative Attire (female category) ay nakuha ni Grace Guzman ng CNHS. Best in Smile (female category) ay nakuha ni Daphne Marlouise Aquino of TCSHS at ang Miss SM Center Tuguegarao Downtown ay si Chelsea Conception ng TCSHS.
Dinaluhan ang naturang okasyon ni Tuguegarao City Vice Mayor Bienvenido Guzman na siya ring nagbigay ng opening remarks.
Ang mga iba pang dumalo ay sina SDO CID Chief Estela Cabaro, Assistant Schools Division Superintendent Alfredo Gumaru, City Councilor Jude Bayona, at Councilor Toto Guzman.
Ang patimpalak ay isinagawa ng Special Program for the Arts (SPA) students ng Cagayan National High School na kung saan ay namangha ang mga manonood sa kanilang ipinakitang talento sa pagkanta at pagsayaw.